“Old but Gold”
Banza Church Ruins
Ang simbahan na ito ay isang simbahang katoliko, isa sa mga pinakalumang simbahang nawasak na naitayo dito sa mindanao.
Itinayo ang simbahan noong 1625 ng mga prayle ngunit ito ay nasunog kagagawan ng mga pirta ng Moro noong 1753. Ang naiwan sa simbahan ay bahagi ng tower ng kampanilya, na nakapaloob sa isang puno ng balete na may nakamamanghang tanawin ng Agusan River na tinaguriang isa sa pinakamalaking ilog sa Pilipinas.
Ang malaking puno ng Banyan na lokal na tinatawag na Balete (Ficus Benjamina) ngayon ay bumabalot sa isang simbahan na nakaraan ng isang ito ngayong magandang bato ng simbahan na itinayo ng mga Recollect Missionaries. Ang kauna-unahang Simbahang Katoliko na ito sa Mindanao ay inilaan ng isang misyonerong jesuit na si Fr. Valerio de Ledesma noong Setyembre 8, 1597.
Nasunog sa lupa ng mga pirata ng Moro noong 1753, ang dating istrukturang ito ay itinayo ngunit nahulog sa disuse dahil sa paglilipat ng pueblo (sentro ng bayan) sa Baug (ngayon Magallanes) noong 1865.
Maganda ang simoy ng hangin dito lalo na kapag tanghali at madaling hapon. Kung nais niyo magliwaliw sa isang tahimik, mahangin at mapayapang lugar, punta na kayo dito sa makasaysayang simbahan na tinaguriang Banza Church Ruin! Ano pang hininintay niyo? TARA NA!
📍Lilo, Banza, Butuan City, Philippines
📍6.8km mula sa lungsod ng Butuan.
📍10-20mins ang layo mula sa lungsod.
✅PAANO PUMUNTA✅
• Mula sa lungsod sumakay ng jeep na route-10 (R10) maghanda lang ng 10 pesos na pamasahi para sa jeep.
• Sabihin mo sa drayber na ihinto ka sa Banza Riverside kung saan merong nakaparada na mga motorsiklo, sumakay ka ng motorsiklo at sabihin mong ihatid ka sa Lilo, Banza Church ruin. Alam nila ang lugar na yan at maghanda ka ng 10-20 na pamasahe.
⚠️Huwag kalimutang magdala ng Camera upang makakuha ka ng larawan ng isa sa makasaysayang simbahan dito sa Lungsod ng Butuan.⚠️
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento